Seryoso sa pagsisiyasat ang House tri-committee sa isinasagawang pagdinig sa ma-anomalyang flood control projects.
Ayon kay House Committee on Infrastructure Co-Chairman, Cong. Terry Ridon, magkakambal na layunin ng imbestigasyon, na mapanagot at makulong ang mga personalidad na nasa likod ng kaso, at aktwal na maka-paglatag ng reporma para tiyakin na naipatutupad ng tama ang lahat ng proyekto ng gobyerno.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig, binigyang-halaga ng kongresista ang mga susunod na hakbang, partikular ang tungkol sa mga nadawit na pangalan ng mga senador sa ma-anomalyang proyekto.
Gayunman, nilinaw ng kongresista na hindi kailangang pwersahin ang mga nabanggit na senador na pumunta sa pagdinig, ngunit mananatili anyang bukas ang Kongreso sakaling gustong magbigay ng sariling pahayag sa komite ang mga nasasangkot na senador.





