Higit pang pinalalakas ng Globe ang kanilang presensiya sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng pagbubukas at pagpapalawak ng mga pisikal na tindahan. Layunin nitong mas mapabuti ang karanasan ng kanilang mga customer na mas gusto ang face-to-face na pakikipag-ugnayan.
Bagama’t kilala ang telco bilang digital-first service provider, patuloy itong naglalaan ng puhunan sa mga tindahan upang magbigay ng expert support, device upgrades, broadband solutions, at iba pang serbisyo na direkta at mabilis na natatanggap ng publiko.
Ayon kay Globe President at CEO Carl Cruz, pangunahing gabay ng kompanya ang kanilang mga customer. “Whether they are online or offline, we will be there for them,” wika niya.
Kamakailan, muling binuksan ang upgraded Globe store sa Robinsons Manila na nag-aalok ng mas modernong in-store experiences. Pinalawak din ang serbisyo sa mga probinsya gaya ng Globe Microshop sa Boracay, TM Tindahan sa Vigan, at bagong bukas na TM Tindahan sa Sorsogon City.
Nagbukas din ng pop-up store sa Bohol na dinisenyo bilang hub para sa digital solutions at in-person service.
Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, layon ng Globe na mailapit ang serbisyo sa mga komunidad at suportahan ang micro-entrepreneurs.
Dagdag pa ni Cruz, hindi lamang produkto ang kanilang iniaalok kundi mas matibay na relasyon sa mga customer.
Aniya, mahalaga para sa Globe na manatiling konektado at may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.




