Tinawag ni Senate Minority Leader Tito Sotto na “injurious phenomena” o banta sa ekonomiya ng bansa ang mga anomalya sa flood control projects.
Ito ay matapos ihayag ni Finance Secretary Ralph Recto na aabot sa 118.5 billion pesos ang nawalang pondo ng pamahalaan, simula noong 2023 hanggang 2025, dahil sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Sen. Sotto, dapat lang magalit ang publiko sa mga opisyal ng pamahalaan, politiko, at kontratista na sangkot sa pagnanakaw ng pondo ng bayan… dahil nagtatrabaho aniya nang maayos ang mga Pilipino at nagbabayad ng tamang buwis habang ginagasta lamang ng mga tiwali ang kaban ng bayan.
Nabatid na ilang showbiz personalities na ang nadismaya at nagalit sa nabubulgar na mga katiwalian sa flood control projects.