Ipinanawagan ng isang mambabatas na tigilan na ang pamumulitika, sa gitna ng umiinit na isyu kaugnay sa mga maaanomalyang flood control projects sa bansa.
Sinabi ito ni Ako Bicol party-list representative at dating Legazpi City mayor Alfredo Garbin Jr. sa DWIZ, matapos ibunyag ni Albay governor Noel Rosal, sa panayam din ng himpilan, na mayroong mga isyu sa mga flood control sa kanilang lalawigan, partikular na ang tatlong pumping stations na hindi aniya nag-o-operate sa Legazpi City.
Nilinaw ni Rep. Garbin, natapos ang konstruksyon ng mga naturang pumping station at gumagana ang mga ito, ngunit hindi maayos na na-maintain.
Gayunman, ayon kay Rep. Garbin, na-i-turnover na muli sa Department of Public Works and Highways ang tatlong pumping stations upang pangasiwaan ang pagme-maintain sa mga ito.