Matagumpay na naipakilala ng Hainan Waterlily Germplasm Repository sa China ang 345 uri ng waterlily mula sa limang pangunahing subgenera, kabilang ang halos lahat ng kilalang variety sa buong mundo.
Kumikita ang mga magsasaka ng hanggang 3,000 RMB o humigit kumulang 24,000 pesos kada araw mula sa apat na hektaryang taniman ng waterlily. Ginagawa nilang tsaa at halamang gamot ang waterlily, na ginagamit laban sa lagnat, sipon, at ubo.
Bukod dito, nakakagawa rin sila ng mga lotion at beauty products. Tinutulungan ng mga unibersidad sa Hainan ang mga lokal na magsasaka sa pag-develop ng mga produktong ito para mapalawak pa ang industriya.