Umaasa si Senador Vicente “Tito” Sotto III na ang concurrent resolution na inaprubahan ng Senado ay magiging daan upang mawala ang mga isyu ng katiwalian sa pambansang budget sa susunod na taon.
Sinabi mismo ni Sen. Sotto sa DWIZ na ang naturang resolusyon ay malaking hakbang upang pigilan ang korapsyon pagdating sa pambansang budget.
Layon ng concurrent resolution na siguraduhing may accountability at transparency pagdating sa pagproseso at pag-apruba sa 2026 budget.
Iginiit din ng senador na dapat may kaparehong concurrent resolution sa Kamara dahil joint resolution ito.