Hindi malayong tumaas muli ang COVID-19 cases matapos ang May 9 elections
Ito ang ibinabala ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa sa gitna ng inaasahang pag-arangkada ng kampanya para sa local positions simula March 25.
Ayon kay Herbosa, kung datos ang pagbabatayan ay hindi imposibleng matulad ang Pilipinas sa India at South Korea na nakaranas ng COVID-19 surge matapos ang kani-kanilang halalan.
Gayunman, maiiwasan ang ganitong scenario kung patuloy na tumataas ang vaccination rate ng bansa.