Humingi na ng tulong ang Department of Justice sa Japanese government upang magsagawa ng iba pang DNA testing sa sinasabing mga narekober na buto ng tao sa Taal Lake na iniuugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ito’y matapos bigong makakuha ng DNA profile ang local forensic experts mula sa mga nakuhang buto sa lawa.
Ayon sa ahensya, naiintindihan nila na magiging hamon talaga ang kapasidad ng sariling DNA-testing sa bansa kaya’t nagpapasaklolo na sila sa Japan.
Alinsunod din ang naturang hakbang sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address na reresolbahin ng kanyang administrasyon ang ilang taon nang misteryo sa pagkawala ng mga sabungero.