Umabot sa mahigit 17 trillion pesos ang naitalang utang ng Pilipinas noong Hunyo, ayon sa Bureau of the Treasury.
Tumaas ito ng 2.1% mula sa dating 16.918 trillion pesos noong Mayo, at mas mataas ng 11% kumpara sa 15.483 trillion pesos noong Hunyo ng nakaraang taon.
Iniugnay ng BTr ang pagtaas, sa malakas na demand ng mga investor para sa government securities na nagkakahalaga ng 11.950 trillion pesos na domestic borrowings sa naturang buwan.
Samantala, ang external debt naman ng bansa ay umabot sa 5.316 trillion pesos, na tumaas ng 3.5% mula sa dating 5.138 trillion pesos noong Mayo.
Kinabibilangan ito ng 2.602 trillion pesos na loans, at 2.714 trillion pesos na external debt securities.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave