Pumalo na sa labing-siyam na pulis ang sinibak sa serbisyo sa iba’t ibang administratibong kaso mula nang manungkulan si General Nicolas Torre the Third bilang hepe ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP-Internal Affairs Service Inspector General Brigido Dulay, mula ang nasabing bilang sa siyam na naresolbang administrative cases, kung saan ang pinakamataas na ranggo na nasibak ay Police Lieutenant Colonel.
Mula sa siyam na naresolbang kaso, isa’ ang nasuspinde, dalawa ang na-demote, habang siyam ang naabswelto.
Bukod dito, walumput walong administratibong kaso pa ang sumasailalim sa summary hearings, pitumput walo ang naghihintay ng formal charges, at tatlumput tatlo ang sinusuri.
Sa kabuuan, sinabi ni Inspector General Dulay na mayrooon pang isandaan at siyamnaput siyam na kaso ang hindi nareresolba, kung saan dawit ang mahigit pitongdaang pulis.