Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaalala niya ang kapakanan ng mga estudyante sa gitna ng nararanasang kalamidad.
Ito’y dahil ilang araw nang walang pasok sa mga paaralan dulot ng malalakas na ulan at matinding pagbahang dala ng habagat at magkakasunod na bagyo.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng pangulo na lugi ang mga kabataan sa suspensyon ng klase.
Kaya naman naghahanap na aniya sila ng alternatibong mga paraan ng pagtuturo para hindi masakripisyo ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Magugunitang simula noong Lunes ay nagkaroon na ng kanselasyon ng pasok ang mga estudyante dahil sa tuloy-tuloy na mga pag-ulan at mga insidente ng pagbaha kaya halos isang linggo nang walang klase.