Hindi na dapat gawing exempted sa parusa ang mga batang nasa edad na sampu hanggang labing-apat na gumawa ng karumal-dumal na krimen.
Ito ang nakapaloob sa inihahaing panukalang batas ni Senator Robin Padilla kung saan pina-a-amyendahan ang umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act o Republic Act 9344.
Sa panukala ng senador, ibababa sa sampu ang minimum age ng criminal responsibility; ibig sabihin, ang nasa edad 10 hanggang 14 o bago mag-15 taong gulang na gumawa ng mabigat na krimen ay ipapasok na sa Youth Rehabilitation Center.
Hindi na sila gagawing exempted sa criminal liability kapag ang krimen ay parricide o pumatay ng magulang, murder, infanticide o pumatay ng sanggol, kidnapping, arson, illegal drug case, pati na rin ang serious illegal detention at carnapping kung saan may pinatay at pinagsamantala.
Sa ilalim ng umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act, exempted sa criminal liability at sasailalim lamang sa intervention kapag ang gumawa ng mabigat na krimen o children-in-conflict-with-the-law ay wala pang kinse anyos.