Maaari pang magamit sa pagbabakuna ang ibang brand ng Molnupiravir o Molnarz na unang nabigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo kasunod ng pag apruba ng tanggapan sa emergency use authorization (EUA) application ng brand na Molnarz.
Sinabi ni Domingo na ititigil na ng FDA ang paglalabas ng Compassionate Special Permit.
Ngunit maaari pa rin naman aniyang gamitin ng mga ospital ang kanilang stock ng ibang brand hanggang maubos ang suplay ng mga ito.
Samantala, sinabi pa ng opsiyal, mayroon pa rin namang nag-aapply na ibang brand ng Molnupiravir para sa EUA sa Pilipinas.
Sa oras aniya makumpleto ng mga ito ang hinihingi nilang requirements, agad umano itong aaprubahan ng FDA.