Umapela si Cardinal Pablo Virgilio David, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Senado na panindigan ang responsibilidad nito sa pagtugon sa mga impeachment complaints na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Bishop Ambo, hindi siya nagsasalita sa pangalan ng anumang grupo o interes sa pulitika pero mula sa pananaw ng simbahan na nananawagan para sa moral responsibility, accountability at ang kahalagahan ng kabutihan ng lahat.
Inilarawan ni David ang papel ng senado sa impeachment proceedings bilang isang “seryosong mandato” na nagsasabing hindi ito usapin ng kaginhawaan sa pulitika bagkus isang mahalagang tungkulin na nakaugat sa katotohanan at katarungan.
Nanawagan din si Cardinal David sa lahat ng senador lalo na sa mga nasa liderato na payagan ang constitutional process na magpatuloy nang walang hadlang.
Iginiit ni Bishop Ambo na kung walang itinatago ay walang dapat ikatakot.