Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginagawang hakbang at programa ng pambansang pulisya para mapababa ang bilang ng krimen sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Marcos na batay sa datos ng PNP, bumaba ang antas ng kriminalidad sa bansa ng 23% sa nakalipas na anim na buwan.
Ayon sa Pangulo, mula sa 15,000 noong Enero hanggang Mayo noong nakaraang taon ay bumaba ito sa mahigit 11,000 sa kaparehong panahon ngayong taon.
Kabilang sa mga krimeng may naitalang pagbaba ay ang murder, homicide, physical injury, robbery, theft, rape, at carnapping.
Kaya habilin niya sa magiging bagong hepe ng PNP na ipagpatuloy ang mga kasalukuyang ginagawa kaugnay ng pagtugon sa mga krimen sa bansa.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos, kailangan pa rin gawing visible o damihan ang mga nagpapatrolyang pulis sa kalsada upang maramdaman ng mga mamamayan na ligtas ang mga ito.
—sa panulat ni John Riz Calata