Hiling ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na ang mga bagong itatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gabinete ay may kakayahang makatulong sa pagtugon sa malawakang kahirapan na nararanasan sa bansa.
Ito ang inihayag ni Pimentel kaugnay ng ginagawang pagbalasa ng pangulo sa ilang miyembro ng kanyang gabinete.
Giit ng senador, ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing isyu o problema na kinakaharap ng ating bansa.
Kulang, aniya, ang pera sa bulsa ng mga ordinaryong mamamayan dahil ang kayamanan at kita ng bansa ay hindi patas at hindi pantay-pantay na naipapamahagi.
Kaya ayon kay Pimentel, sana ay mga taong may kakayahan at tunay na malasakit sa bayan ang italaga ng pangulo, upang matugunan ang malawakang kahirapan sa ilalim ng isinasagawang cabinet revamp.