Namemeligrong maapektuhan ang legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos sa nalalabing termino nito sa malakanyang sakaling magbago ang liderato sa Kamara.
Ito ang ibinabala ni National Unity Party President at Camarines Sur 2nd District Rep. Lray Villafuerte sa gitna nang ugong na may inilulutong balasahan sa mababang kapulungan ng kongreso.
Ayon kay villafuerte, nananatili ang kanilang suporta kay Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang house speaker sa papasok na 20th Congress.
Si Romualdez, pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats at pinsan ni Pangulong Marcos, ang speaker ng 19th Congress na nakatakda namang mag-adjourn sine die sa hunyo 13.
Ipinunto ni Villafuerte na kung walang sira ang isang bagay ay hindi naman ito dapat pang ayusin kaya’t wala anyang problema sa kamara ay hindi na dapat pang guluhin.
Ipinagmalaki naman ng bikolanong kongresista na bago mag-recess ang 19th Congress para sa midterm elections, 88 batas na may “national significance” ang naipasa sa ilalim ng liderato ni Romualdez, kabilang ang priority bills ni PBBM at ng Legislative-Executive Development Advisory Council.