Itinanggi ng Department of Education ang mga ulat na aalisin na ang K-12 program sa school year 2025-2026.
Ayon sa DEPED, fake news ang nasabing impormasyon na kumalat sa social media.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maging maingat at kritikal laban sa mga maling impormasyon.
Hinimok din ng deped ang publiko na i-report ang mga ganitong uri ng fake news sa depedactioncenter@deped.gov.ph