Walang na-monitor na tangkang hacking o phishing sa sistema ng Commission on Elections ang itinatag na 24/7 Threat Monitoring Center ng pamahalaan sa katatapos lamang na eleksyon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DICT Assistant Secretary at Spokesman Renato Paraiso na patunay lamang ito na naging epektibo ang mga paghahanda at technical procedures ng poll body.
Gayunman, ibang usapin aniya ang mga nagpakalat ng fake news.
Ayon kay Asec. Paraiso, kabilang sa kanilang namonitor at agad na inaksyunan ang kumalat na impormasyon na nalipat ang petsa ng halalan at mayroon ding mga nagpakalat ng deepfakes laban sa mga kandidato.
Tiniyak naman ng opisyal na mabilis naman itong natugunan ng pamahalaan at na-take down at naituwid agad ang mga server ng mga nagpakalat ng maling impormasyon.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)