Ang pantog ng isang tao ay kayang mag-ipon ng hanggang dalawang tasang ihi.
Gayunman, hindi ibig sabihin nito na okay lang na pigilan ang ito.
Ilan sa mga posibleng maramdaman ng isang tao pag nagpigil ay ang pagsakit ng puson o pantog.
Posible ring masira ang pelvic floor muscles, kung madalas itong gawin dahil na-overstretched o nabanat ang pantog.
Isa rin sa posibleng mangyari ang kawalan ng kakayahan o mahirap palabasin ang ihi kung madalas na pipigilan ang pag-ihi.
At ang huli ang pagkakaroon ng kidney stone o bato sa bato o bladder stone o bato sa pantog.
Kaya payo ng mga eksperto, mas makabubuti para sa isang tao na umihi sa sandaling maramdaman niya ito.—sa panulat ni Kat Gonzales