Pito sa bawat sampung Pilipino ang naniniwala na dapat pagtuunan agad ng pansin ng mga mahahalal na opisyal at ang mga kasalukuyang nakaupo sa pwesto ang patuloy na pagsirit ng mga pangunahing bilihin.
Batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia, top concern ng 69% ng mga Pilipino ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Samantalang 36% naman ang naniniwalang dapat bigyang prayoridad ang pagtaas sa sahod ng mga manggagawang Pilipino.
Sinundan naman ito ng paglaban sa graft and corruption at sa nangyayaring kriminalidad sa bansa na may tig 28% habang ang pagpapababa naman ng kahirapan sa bansa ay may 27%.
Isinagawa ang survey noong March 23-29 sa 2400 adult Filipinos.