Home NATIONAL NEWS Isa pang babaeng biktima ng karahasan ng kinakasamang pulis, nagpasaklolo sa Napolcom

Klase sa Malungon, Saranggani sinuspinde dahil sa sama ng panahon

by DWIZ 882 November 18, 2022 0 comment
ULAN 2

Sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng malungon, sarangani.

Kasunod ito ng nararanasang sama ng panahong dulot ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang suspensyon ng pasok sa paaralan ay alinsunod na rin sa kautusan ni Malungon Mayor Maria Theresa Constantino, upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Nagdulot ang matinding pag-ulan ng pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian at tulay kung saan, kabilang dito ang pink bridge na matatagpuan sa Sitio Young Barangay Nampan; Ampon Bridge sa Barangay Ampon, at mga tulay sa Sitio Buntalan sa Poblacion ng Malungon.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment