Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Doktor sa CDO pinagbabaril, patay

by DWIZ 882 December 3, 2021 0 comment
Cagayan de Oro City map

Isang doktor ang patay matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Cagayan De Oro City, Misamis Oriental, kahapon.

Kinilala ng Cagayan De Oro City Police ang biktimang si Dr. Raul Winston Andutan, director ng Maria Reyna Xavier University Hospital, na pangunahing medical facility sa lungsod.

Tatlong tama ng bala ng kalibre 45 ang tumapos sa buhay ni Andutan na noo’y patungo na sa ospital nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin.

Minamaneho ng biktima ang kanyang toyota fortuner nang matiyempuhan ng riding-in-tandem sa kanto ng 12th at 29th streets sa barangay Nazareth.

Samantala, bumangga naman ang SUV ng doktor sa isang laundry shop kung saan isang bystander ang nasaktan.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at sino ang mga nasa likod ng krimen. —sa panulat ni Drew Nacino

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment