Home NATIONAL NEWS PNP, iimbestigahan ang mga tumulong upang makatakas si Sen. Bato

1 treasure hunter, patay matapos ma-suffocate sa kweba sa Maguindanao

by DWIZ 882 July 29, 2021 0 comment
maguindanao

Patay sa suffocation ang 31 anyos na treasure hunter sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao matapos pumasok sa isang kuweba kasama ang dalawang iba pa na nakalabas naman kaagad.

Kinilala ni Maguindanao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Nasrullah Imam ang biktima na si Anwar Zacaria, residente ng barangay Dimapatoy.

Sinabi ni Imam na batay sa kuwento ng survivors, nasa loob sila ng kuweba sa Sitio Nabilan sa barangay Dinaig at naghahanap ng mga umano’y nakatago doong gold bars.

Nagulat na lamang aniya ang tatlo nang magbuga ng nakakalasong kemikal ang kuweba.

Narekober ang labi ni Zacaria sa isinagawang rescue and retrieval operations ng mga tauhan ng PDRMMO, Bureau of Fire Protection at Datu Odin Sinsuat Police.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment