Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

SUV binangga ng pick-up sa Angono, Rizal

by DWIZ 882 December 12, 2020 0 comment
RIZAL MAP

Blangko pa ang Angono Police kung may malubhang nasugatan sa pagsalpok ng isang pick up sa isang suv sa bahagi ng Baytown Homes sa nasabing bayan kagabi.

Batay sa kuha ng CCTV mula sa Angono Communication and Rescue, makikitang lumiko pakanan ang pick-up at nasakop nito ang kabilang lane ng kalsada kaya nito nabangga ang SUV pagsapit sa kanto.

Ilang sandali pa ay umatras ang pick-up, saka humarurot at binangga ulit ang SUV bago ito tuluyang bumangga sa pader.

Gayunman, kitang-kita rin sa video na may naatrasang nagbibisikleta ang pick-up subalit hindi pa batid kung ano ang kinasapitan nito.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment