7
NATIONAL NEWS

Tinaguriang “Magnificient 7″ ng Kamara bibisita umano kay Sen. De Lima

0 31
Inaasahang bibisita kay detained Senator Leila de Lima ang tinaguriang “Magnificient 7″ ng Kamara sa PNP Custodial Center sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ni Ferdie Maglalang, media relations officer ni De Lima.
Kabilang sa mga miyembro ng “Magnificient 7″ sina Albay Rep. Edcel Lagman, Akbayan Rep. Tom Villarin, Magdalo Rep. Gary Alejano, Northern Samar Rep. Raul Daza, Ifugao Rep. Teddy Baguilat jr., Caloocan Rep. Edgar Erice at Capiz Rep. Emmanuel Billones.
Bukod sa mga nabanggit na mambabatas, isa pang high profile personality ang bibisita kay De Lima sa Miyerkules.
Gayunman, tumanggi si Maglalang na pangalanan ang naturang high profile personality.

By: Meann Tanbio

More from National News

Comments

comments

About the author / 

DWIZ 882
DWIZ 882

NEWS ARCHIVE


       
DWIZ 882 is home to some of the top broadcasters and columnists in the country today. Weekdays start with a dynamic lineup that delivers fresh news, credible and accurate reportage as gathered by its fully organized newscenter.