Aarangkada na sa ikalawang bahagi ng taong kasalukuyan ang pilot test ng food stamp program o ang “Walang Gutom 2027” ng Department of Social Welfare and Development.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, na sa kasalukuyan ay nasa design stage pa ang programa at inaayos na ang mga posibleng butas dito para sa maayos na implementasyon nito.
Layon ng programang ito ng Administrasyong Marcos na tugunan ang kagutuman at kahirapan sa hanay ng mga pamilyang nasa pinaka-mababang income bracket sa bansa.
Unang magbebenepisyo rito ang nasa 3,000 families na magiging 300,000 sa mga susunod pang taon.
Kabilang naman sa mga tinukoy na 5 pilot sites ay ang Bangsamoro autonomous region in Muslim Mindanao na dating conflict area, isang nasa malayong probinsya, isang lugar na labis ang kahirapan, isa na pinaka-matinding tinamaan ng kalamidad at isang rural poor area.
Maglalaan ang Marcos Administration ng kabuuang P40- B sa pagpapatupad ng programa habang P11-B para sa pilot run ng proyekto. - Sa panunulat ni Jenniflor Patrolla