Naniniwala si Vice President Sara Duterte na nakipagsabwatan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa International Criminal Court upang arestuhin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay V.P. Sara, nagdesisyon ang ICC na usigin ang kanyang ama dahil sa kasong crimes against humanity sa tulong ng kasalukuyang administrasyon.
Kinwestyon ng Bise Presidente ang sinasabing nasa tatlumpung libong pinatay dahil sa war on drugs campaign ng kanyang ama, at ipinunto na 43 counts of murder lamang ang ikinaso sa dating Pangulo sa I.C.C.
Dagdag pa ni V.P. Sara, kaya nagdesisyon ang Marcos administration na ipahuli ang amang Duterte ay upang mawala ang kumokontra sa mga ito.
Tumanggi namang tumugon si ICC spokesperson Fadi El Abdallah sa mga paratang ng Bise Presidente at sinabing hindi sila maaaring mag-komento sa mga pahayag hinggil sa pulitika.