Nakahanda na ang mga voting precincts sa ilang mall sa bansa para bigyang daan ang halalan sa Lunes, Mayo 12.
Nasa 42 malls sa bansa ang bahagi ng programang mall voting ng Commission on Elections.
Layon nitong magbigay ng mas maginhawang lugar para sa mga botante, lalo na sa mga senior citizens, buntis at persons with disabilities kung saan maglalaan ng express lanes para sa kanila.
Kaugnay nito, nilinaw ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ang mga rehistradong botante na nakatira malapit sa mga mall na ito ay dumaan sa tamang proseso ng konsultasyon bago nailipat ng kani-kanilang voting precincts.
Bukas ang mga polling precincts sa mga mall mula alas-singko ng umaga para sa mga vulnerable sectors, at alas-siyete naman ng umaga para sa iba pang mga botante.
Tiniyak naman ng COMELEC na walang kaibahan sa proseso ng pagboto sa mga malls kumpara sa mga tradisyunal na voting precincts.—sa panulat ni Jasper Barleta