Sinuspinde ng Bureau of Immigration (BI) ang Visa Upon Arrival (VUA) na ibinibigay sa mga Chinese nationals.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, layon nito na mabawasan ang pagdagsa ng group tours mula sa China.
Ang VUA ay ibinibigay sa mga turista sa ilalim ng Department of Tourism (DOT) accredited operators, mga kuwalipikadong businessmen, atleta at convention exhibit delegates.
Kasabay nito ay nilinaw ng Immigration Bureau na hindi nila pinipigilan ang pagpasok ng mga Chinese nationals sa bansa.