Kumbinsido ang Volunteers Against Crime and Corruption sa mga pahayag na isiniswalat ng self-proclaimed whistleblower na si Julie “Alyas Totoy” Patidongan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay VACC President Arsenio “Boy” Evangelista sa panayam ng DWIZ, na mayroong sapat na ebidensyang inilatag si Alyas Totoy kaugnay sa kaso.
Kaugnay nito, hindi naman itinanggi ng pangulo ng grupo ang umuusbong na kuro-kuro hinggil sa malapit na pagkakaugnay ng kaso ng missing sabungeros sa madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon na aniya ay kapwa naka-angkla sa crime against humanity.