Umaasa si urban planner at architect Felino “Jun” Palafox na diringgin mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang kaniyang mga rekomendasyon bilang solusyon sa problema hindi lamang sa flood control projects, kundi sa lahat ng infrastructure projects sa bansa.
Bagaman aminado si Palafox na linggo-linggo siya nagpapadala ng rekomendasyon, maaaring sa assistant secretary lamang ito ni Pangulong Marcos nakakarating.
Sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalya umanong flood control projects, nananawagan naman ang beteranong urban planner sa mga engineers at kapwa arkitekto na isumbong sa pangulo ang nalalamang korapsyon sa mga proyekto.
Samantala, naniniwala si Palafox na may pag-asa pang matuldukan ang matagal ng korapsyon sa mga government infrastructure projects basta’t mayroong “political will” ang gobyerno at mga namumuno.




