MAY magandang balita para sa customers ng isang telco o telecommunications company. Ito’y makaraang mabatid na uubra na ngayong i-convert ng Globe customers ang kanilang data sa Rewards points na puwedeng i-donate para matulungan ang mga pamilya at komunidad na naapektuhan ng bagyong Odette. Simula nitong Enero 15, ang users ay maaaring pumunta sa Rewards section ng bagong GlobeOne app at i-tap ang convert data mula sa account na kanilang napili. Ang data conversion ay kinabibilangan ng 1GB = P10, 5GB = P50, at 10GB = P100. Ang mga donasyon ay gagamitin sa relief efforts ng partner organizations Ayala Foundation, GMA Kapuso Foundation, Rise Against Hunger Philippines, Tzu Chi Foundation, ABS-CBN Foundation, at PGH Foundation sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette. “Our aim is to arm our customers with as many options as possible to help and reach our kababayans affected by Typhoon Odette — all from the safety of their homes. This first-in-the-industry Data-As-Currency offer gives our customers means not only to maximize their data subscriptions, but also extend a helping hand,” pahayag ni Issa Guevarra-Cabreira, Globe Chief Commercial Officer. Napag-alaman na maaaring i-convert ng mobile customers kapwa prepaid at postpaid, gayundin ng home broadband customers kapwa prepaid at volume-based postpaid, ang kanilang points bilang donasyon via bagong GlobeOne app. Samantala, bukas pa rin ang donasyon via Rewards at GCash habang ang #GCashGivesBack QR Codes ng partner-beneficiaries ay puwedeng i-access sa website ng nasabing telco.