Nakahugot na ng buena manong panalo sa 2021 PBA Philippine Cup ang Defending Champion Barangay Ginebra Gin Kings.
Pinatumba ng Gin Kings ang Blackwater Elite sa score na 96-81 sa kanilang paghaharap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, kagabi.
Nagpakawala ng 19 points si Stanley Pringle habang nag-ambag ng 17 points si L.A. Tenorio para sa Barangay Ginebra.
Kasalukuyang nakapako ang Ginebra sa 8th spot sa elimintation round habang hawak ang kartadang 1 – 1.
Ito naman ang ikatlong sunod na talo ng wala pa ring kapana-panalong Elites na nangungulelat sa elimination. —sa panulat ni Drew Nacino