Nanggaling at dumaan sa Pilipinas ang naitalang unang kaso ng monkeypox sa Hong Kong.
Ayon kay Edwin Tsui, health official mula sa Hong Kong, noong Lunes dumating sa kanilang bansa ang 30- anyos na pasyente na agad dinala sa ospital matapos sumama ang pakiramdam.
Bago makarating ng Hong Kong, nagtungo muna ang pasyente sa Amerika at Canada tsaka bumiyahe ng Pilipinas.
Wala namang contact sa komunidad ang pasyente na itinuturing na imported na kaso.
Kabilang sa sintomas na nakita sa unang monkeypox case sa Hong Kong ay skin rashes, pamamaga ng kulani at sore throat.