Hiniling ng Samahang Manibela mananakay at nagkaisang terminal ng transportasyon ang pagbubukas ng lahat ng ruta ng UV Express at mga jeep sa Metro Manila para hindi sila malugi sa pagbiyahe.
Ayon kay Mar Valbuena, national president ng grupo one way lamang ang kanilang biyahe ngayon at siyam na pasahero lamang sa isang biyahe ang laman ng kanilang UV Express kayat luging lugi sila.
Sinabi ni Valbuena na sa pamamagitan ng pagbubukas ng lahat ng ruta ay makapagsasakay pa sila pabalik ng terminal at maka biyahe pa rin hanggang puwede pa.
Inihayag pa ni Valbuena na dahil sa pagpapatupad ng health protocol nasa P3,000 hanggang P5,000 ang nagagatos nila.
Una nang pinayagan ng LTFRB na maka byahe ngayong araw na ito ang halos 1,000 UV express sa halos 50 ruta sa Metro Manila at mga karatig lalawigan bilang bahagi ng gradual, calibrated at partial approach sa pagbabalik ng public transport system.