Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Umano’y ‘Inter-Agency Conspiracy’ sa vegetable smuggling, pinabulaanan ng Palasyo

by DWIZ 882 December 15, 2021 0 comment
NOGRALES

Itinanggi ng Malacañang ang umano’y sabwatan o “Inter-Agency Conspiracy” sa pagpuslit ng mga gulay sa Pilipinas.

Paliwanag ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, walang Inter-Agency Collusion dahil kapwa nagtutulungan ang Bureau of Customs at Department of Agriculture upang mapigil ang smuggling ng gulay sa bansa.

Ginawa ni Nograles ang pahayag kasunod ng sinabi ni Senator Panfilo Lacson na posibleng may sabwatan sa pagitan ng dalawang ahensya.

Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na ipagbigay alam  sa pamahalaan sakaling may impormasyon kaugnay sa smuggling.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment