Lalo pang lumakas ang Bagyong Paeng na isa nang ganap na Tropical Storm.
As of 11am kanina, huling namataan ang bagyong paeng sa layong 540 km Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 km/h malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 80 km/h.
Kumikilos ito pakanluran timog-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Dahil sa bagyo, nakataas na ang signal number 1 sa anim na lugar sa bansa.
Kabilang dito ang; Catanduanes; Eastern portion ng Albay (kabilang ang rapu-rapu); Eastern portion ng Sorsogon (Kabilang Ang Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Bulusan, Santa Magdalena, Irosin, Juban, Casiguran, City of Sorsogon); Eastern Samar, Northern Samar, at Samar.
Sa susunod na bente-kwatro oras, posibleng maging ganap na severe tropical storm ang bagyo na lalakas pa bilang typhoon sa sabado.
Inaasahan namang magla-landfall ang bagyo sa anumang baybayin ng Eastern Portions ng Central Luzon o Mainland Cagayan Valley sa linggo.