Nagdeklara na ng Cholera Outbreak ang city government ng Tacloban City.
Ito ay matapos makapagtala ng 10 kumpirmadong kaso ng sakit ang lalawigan sa Eastern Visayas Medical Center (EVMC.
Ayon Sa DOH-Eastern Visayas, 192 pasyente ang na-confined sa ospital kahapon dahil sa acute watery diarrhea.
4 na katao naman ang naitalang nasawi sa lugar na kinabibilangan ng; three month old baby, 2-anyos na bata, 71 – anyos na matanda.
Karamihan umano sa mga naitalang kaso ay nagpositibo sa E.Coli at Coliform.
Sa ngayon, sinuspinde na ng City Government ang operasyon ng private water distributor sa lugar habang dinala na ang water samples sa water quality monitoring assessment.