Pinaiimbestigahan ng Malakanyang ang report na hindi nasasalang sa regular na COVID-19 test ang mga health workers.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakasaad sa guidelines ng DOH ang pagsasalang sa health workers sa regular COVID-19 testing kaya’t kung nalalabag ito ay kaagad isumbong sa DOH.
Una nang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na titiyakin ng DOH na isinasailalim ng health care facilities sa regular na COVID-19 test ang kanilang health workers.