Posibleng mapabilang si dating Health Secretary Paulyn Ubial sa mga dating opisyal ng pamahalaan na pananagutin kaugnay sa kontrobersiyal na pagpapabakuna ng Dengvaxia dengue vaccine sa mahigit walong daang libong mga bata.
Ito ay ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon kasunod na rin ng pagkwestiyon ng ilang Senador sa naging pasya noon ni Ubial na ipagpatuloy ang anti dengue vaccination program kahit meron siyang mga agam-agam.
Tiniyak din ni Gordon na walang sasantuhin ang lalamanin ng kanilang isusumiteng committee report hinggil sa kontrobersiyal na pagpapabakuna nang sa gayun ay hindi na aniya maulit pa ang katulad na sitwasyon.
Una nang tinukoy ni Gordon na posible nilang irekomenda ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin at iba pang sangkot sa pagbili at paggamit ng Dengvaxia dengue vaccine.