Hinikayat ni South Korean President Moon Jae-In ang mga Pilipino na ikonsidera ang kanilang bansa sa kanilang biyahe bilang turista.
Ito ang inihayag ni President Moon kasunod ng kanilang bilateral meet ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidential Blue House sa Seoul kahapon.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs o DFA, pinakamalaking bilang ng tourist arrivals sa Pilipinas ay mula sa South Korea na may 1.6 na milyon.
Kasalukuyang nasa South Korea ang aabot sa halos 70,000 mga Pilipino, kabilang na ang mga manggagawa, mag-aaral, propesyunal, misyonaryo at ibang nakapangasawa ng Koreano.
—-