Hindi na bago ang itinatag na Presidential Anti-Corruption Commission ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na ang trabaho ng nasabing komisyon ay kapareho lamang ng tungkulin ng Office of the Ombudsman.
Bukod dito, inihayag ni Alejano na nakakaduda rin ang pagbuo sa naturang komisyon dahil inilabas ang kautusan hinggil dito nang i-anunsyo ng Ombudsman ang sisimulang imbestigasyon sa umano’y multi billion pesos na tagong-yaman ng Pangulo at pamilya nito.
Sa halip na pagbuo sa nasabing komisyon, binigyang-diin ni Alejano na dapat ay suportahan na lamang ng Pangulong Duterte ang Ombudsman na gawin ang tungkulin nito at hayaang gumulong ang imbestigasyon laban sa kaniya.
Binuo ang nasabing komisyon para imbestigahan ang katiwalian ng Presidential appointees at public officers.