Patuloy ng kinansela ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang travel clearance ni Ako Bicol Partylist Rep. Rizaldy Co, kaugnay ito sa patuloy na imbestigasyon ukol sa flood control project.
Ayon sa liham ng Speaker, inatasan ni Dy na bumalik na sa bansa si Co sa loob ng sampung araw matapos nito matanggap ang kautusan.
Dagdag pa ni Dy na ang isyu ay para sa kahilingan ng publiko na humarap si Co patungkol sa usapin ng flood control project.
Banta rin ng Speaker na kapag hindi dumating si Co sa araw kung saan siya inaasahan na dumalo ay magkakaroon ito ng kaparusahan sa Kamara.
Matatandaang isa si Zaldy Co sa dinawit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dawit sa maanomalyang flood control project.
Kasalukuyang nasa United States si Co upang magpagamot, ayon ito kay Atty. Princess Abante.
Inaasahan naman ni Dy ang pag-uwi ni Co bago matapos ang sampung araw na iniutos ng Kamara.




