HomeNATIONAL NEWSMATAPOS LAGDAAN NI PBBM ANG EO NO. 94 PARA SA PAGBUO NG INDEPENDENT COMMISSION, PAGDINIG SA ISYU NG FLOOD CONTROL PROJECTS, HANDANG ITIGIL NG HOUSE INFRA-COMM
Sinabayan ng port holiday ng mga truckers ang ginawang transport strike ng mga jeepney drivers kahapon bilang pagtutol sa planong transport modernization ng Administrasyong Duterte.
Ito’y ayon kay Marie Zapanta ng Aduana Business Club ay dahil sa apektado rin sila ng mungkahing pag-phaseout sa mga lumang trak na may 15 taon na ang edad.
Giit ni Zapanta, sakaling maisakatuparan ang nilagdaang Department Order Ni transportation Secretary Art Tugade, tiyak na mauuwi sa pagkalugi ang mga nasa sektor ng trucking sa bansa.
Naglabas din ng sama ng loob si Zapanta sa pamahalaan dahil sa aniya’y hindi nabibigyang prayoridad ang sektor ng trucking lalo’t tila hindi napapansin ang nararanasan nitong pang-aabuso.
By: Jaymark Dagala
Transport strike sinabayan din ng port holiday ng mga truckers was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882