Nanawagan ang Center for People Empowerment in Governance fellow na si Professor Emmanuel Leyco sa partisipasyon ng publiko sa mga imbestigasyon ng Senado at Kamara sa pamamagitan ng people’s organizations.
Ayon kay Professor Leyco, sa kabila ng mga isinusulong ng mga mambabatas ukol sa transparency at accountability, ay tila hindi pa rin ito lubos na nararamdaman ng taumbayan.
Anya, mistulang nagiging taga-nuod ang peoples’ organization sa isinasagawang pagsisiyasat at pagdinig sa Kongreso kaugnay sa katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.
Binigyang diin din ni Professor Leyco na hindi lamang pag-oobserba ang layunin ng partisipasyon ng mga civil society, kundi upang aktibong makilahok sa pagbusisi ng mga dokumento, impormasyon, proyekto, pati sa lugar na pinagtayuan ng mga ito.