Naniniwala ang isang political analyst na pabalat-bunga lamang at sarkastiko ang pahayag ni U.S. President Donald Trump na “tough negotiator” si Pangulong Ferdinand Marcos Junior matapos ang napagkasunduan nilang taripa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Dr. Froilan Calilung, ng University of Sto. Tomas-Department of Political Science, hindi dapat ituring na tagumpay ang naturang kasunduan dahil kapiranggot lamang ang itinapyas na taripang ipapataw sa Philippine exports.
Hindi anya ito patunay na maganda ang kinahihinatnan ng negosasyon at nasayang lamang ang ginastos sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Amerika.
Kung tutuusin, isa anya itong insulto lalo’t ang Pilipinas ang naturingang pinaka-matagal na ka-alyado ng Amerika sa Asya. Pagbisita.