Pansamantalang ipinatigil ng Department of Labor and Employment-NCR ang trabaho sa construction site sa Makati City kung saan bumagsak ang isang tower crane.
Ayon kay DOLE-NCR Regional Director Nelson Hornilla, batay sa ginawa nilang assessment, nananatiling mapanganib sa mga manggagawa ang construction site.
Inaalam anya nila sa Megaworld at contractor ng proyekto kung may dapat managot sa nangyari.
Bahagi ng pahayag ni DOLE-NCR Regional Director Nelson Hornilla
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas
Photo Credit: interaksyon.com