Nananatiling mababa pa rin ang tiwala ng mga Pilipino sa China.
Ito ay batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan nakakuha ang China ng -33 nitong Setyembre 2019 na pumapatak sa kategoryang “bad”.
Mas mababa pa ito kumpara sa nakuha ng China nuong June na -24.
Samantala, nangunguna pa rin ang Amerika sa pinaka-pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino na nakakuha ng +72 o “excellent”.
Sinundan ito ng Australia na may +37, Japan na may +35, at Singapore na may +26.