Kinumpirma ng Toll Regulatory Board (TRB) ang taas singil sa toll fee sa NLEX simula bukas, Martes, May 18.
Ayon kay Julius Corpuz, tagapagsalita ng TRB, ang taas singil na ito sa toll fee sa NLEX ay ikatlong bahagi ng naaprubahan ng TRB na toll rate increase na dapat sana’y ipinatupad pa noong 2013 at 2015.
Binigyan sila ng approval ng ating pamunuan, around 14% increase in 2018 so, bale upang maibsan naman ang impact itong toll increase na ito ang minarapat ng ating pamunuan ay iutay-utay ang pag-implement kaya 50% of that wasn’t implemented in 2019, 1/3 of that is last year, 1/3 is this year, and 1/3 of that ay ipapatupad sa 2023 na,” ani Corpuz.
Kasabay nito, humingi ng pang unawa ang TRB sa mga motorista kaugnay sa ipatutupad na hike toll fees.
Bigyan natin ng pagkakataon ang ating mga investor ang ating mga infrastructure projects upang makalikom ng sapat para i-continue ang kanilang obligasyon na i-operate ng maayos sa national, that way gawan ng kanilang nararapat na mga expansion, widening and expansion na kinakailangan din ng ating mga kababayan motorista saka para sa ekonomiya naman natin,” ani Corpuz.